Checking your browser...
Touch the screen or click to continue...
Checking your browser...

Pie calayan biography

Dra. Pie Calayan explains her disappearance from the limelight for over a year

Mahigit isang taon na ang nakararaan simula nang hindi na napagkikita sa publiko si Dra. Pie Calayan.

Marami rin ang nagulat na noong mag-debut ang kanyang panganay na anak ay wala siya. Napag-alaman na may sakit si Dra. Calayan at napabalita rin na nagpapagamot siya sa ibang bansa.

May lumabas ring intriga noon na kesyo nasira raw ang mukha ni Dra. Pie dahil sa maling cosmetic procedure at nagtatago lang daw ito sa States. Nandiyang naghiwalay rin daw sila ni Dr. Manny Calayan.

Bagamat sinagot na ito ni Dra. Pie sa isang interview niya sa GMA News sa U.S. noon at sa nakaraang guesting ni Doc Manny sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central, tila marami pa rin ang hindi kumbinsido sa mga naging kasagutan nila.

DRA. PIE FINALLY SPEAKS UP. Last Wednesday, April 7, ay umuwi si Dra. Pie sa Pilipinas pagkatapos ng mahigit isang taong pamamalagi nito sa U.S. Finally, sinagot na rin ni Dra. Pie ang lahat ng mga intriga sa kanya sa live interview sa kanya ni Pia Guanio sa Showbiz Central noong Linggo, April 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang tanong ni Pia ay ang tungkol sa pagde-debut ng kanyang anak na hindi nito sinipot. Ano nga ba ang talagang nangyari noon?

"Alam mo, Pia, wala sigurong mother na ganun kasama na kung wala silang very valid reasons—unless you're dying, hospitalized or sick, nasagasaan ng tren or ano—na mawawala ka sa debut ng anak mo, especially panganay.

"Yung naglalabas ng intrigang ganun, well, alam mo naman ang mga tao na walang magawa sa buhay, tsismis lang ang pinagkakaguluhan nila kaya naiintindihan ko yun. Yun nga lang, huwag nilang palabasin that I'm a bad mother.

"I was not there because I'm in the hospital. I was confined. I was asking for a permission from my attending physician kahit naka-oxygen ako, maka-attend lang. So, siguro yung mga nagsasabi na nandun si doktora, nakikita nila sa window, e, baka siguro minumulto sila ng spirit ko dahil gusto kong mag-travel talaga," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naiintriga rin ang mga tao kung totoo nga bang nasira ang kanyang mukha dahil sa cosmetic surgery?

"Alam mo, trabaho namin ni Doc 'yan. If there's something that I would want to do to myself, I'll be proud of it and announce it because I could be a walking model. Hindi ko dapat ikahiya yun. If something went wrong, hindi naman siguro namin bubuksan ang Calayan Aesthetic Center in Beverly Hills dahil paano ko iti-treat yung mga pasyente dun kung hindi ako makakalabas?" saad niya.

Noon ay makinis ang balat ni Dra. Pie pero sa interview sa kanya ni Lhar Santiago sa Beverly Hills ay napansin ng mga tao na tila may kakaiba na sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha.

Ano nga ba ang nangyari dito?

"Actually, kapag hinati mo yung medial, right and left side ng face, hindi talaga pantay—mata, butas ng ilong, bibig—and that's very natural. Ngayon, people who are giving tsismis na ganun, gusto lang talaga nilang maghanap ng tsismis... Kami ni Doc, or ako personally, and the very roots of that is the inggit talaga."

CONTINUE READING BELOW ↓

So, is she saying na hindi siya sumailalim sa cosmetic procedure?

"Cosmetic, yes, cosmetic laser," sagot ni Dra. Pie. "I do the tenor for tightening but cosmetic procedures like I will do my eye bag... When my daughter was 12 years old, 'yan, I'll be proud kasi masasabi ko sa pasyente, ganito ang pakiramdam kapag nagpa-eye bag removal ka. If I would do my upper lid or my chin, dapat proud ako para dun."

Meron siyang scar sa kanyang left cheek?

"Yeah, I have a chicken pox scar. Meron din sa forehead and even in my right cheek which is probably not noticeable. Pero ngayon kasi, because of the intrigue, hinahanapan talaga nila ng butas."

How does it feel na para siyang nasa ilalim ng microscope?

"It made me feel on top. Sabi ko nga, ang tagal ko nang wala, talagang pinag-uusapan pa rin."

She mentioned a while ago na may mga taong naiinggit sa kanya. May idea ba siya kung sino ang mga taong ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I have some ideas, pero siyempre, bato-bato sa langit, sila ang magagalit, di ba? Dahil kung hindi naman sila yun..."

Isa pang intriga, yung balitang naghiwalay raw sila ni Dr. Manny?

"Alam mo, natatawa kaming mga bata kapag ganyan, e. Dapat yung mga media would be, yung huwaran ng what should be right. Tama lang if yung mga children, nawawalan sila ng tiwala. Alam nila na hindi totoo, pero pati yung mga ka-age nila themselves, paano mo gagawing huwaran ang media kung dun mismo nanggagaling ang paninira, di ba?

"At talagang hiwalay kami ni Doc," patuloy ni Dra. Pie. "He's here practicing in Quezon City and Makati Clinic. Ako, sa Calayan Aesthetic in Beverly Hills. Hindi ko puwedeng iwanan yun dahil siyempre, yung mga patients, they want me to treat them.

"Pabalik-balik ako dito. Ngayon lang ako lumabas sa media because from our flights, dumiretso kami sa Iloilo for Doc's campaign trail. At tuluy-tuloy yun. Right now, kagagaling lang namin sa campaign trail sa Laguna, Batangas..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Dra. Pie, adrenal fatigue syndrome ang naging karamdaman niya. Pero okay na raw siya ngayon.

Read Next

Post a Comment


Ulrick pierre louis biography Ulrick Pierre-Louis. Edit. Mini Bio. Ulrick Pierre-Louis is known for When the Drum Is Beating (2011) and Independent Lens (1999). Contribute to this page.